Friday, February 27, 2009

petiks-peteks

Sa buhay empleyado merong dalawang pagpipilian kung tinatamad kang
magtrabaho.

A. Una ay umabsent.

1. Kapag umiikot na kaagad sa katawan mo ang katamaran pagkagising pa lang
sa umaga ay mag-isip ka na kaagad ng palusot kung bakit ka aabsent.
Paalala: dapat ay memoryado mo ang mga dahilang nagamit mo na dati (tip:
gumawa ng isang logbook) ng sa gayon ay hindi ka parang sirang plakang
nag-uulit lang lagi ng rason ng di pagpasok. Alalahanin na tuso din ang
mga bossing.

2. Kapag nakaisip ka na ng magandang dahilan ay agad mag-text o tumawag sa
bossing mo, the earlier the better. Kung ayaw mo ng madaming tanong e
mag-text ka at kung nais mo namang tumawag ay siguraduhin mong magaling
kang umarte kagaya ng kung ikaw ay kunwaring me sakit ay umubo ka ng
paunti-unti habang kinakausap ang bossing mo.

3. Matapos mag-text/tumawag ay bumalik sa higaan at magplano ka na ng
gusto mong gawin sa buong araw. Malaking posibilidad na magtutulog ka lang
buong araw. Sya nga pala, kapag tumawag ang opisina sa kalagitnaan ng
araw, laging tandaan ang rasong ginamit (consistent ka dapat), maaari
namang i-off mo na lang ang phone mo para hindi ka maistorbo buong araw.

BABALA: Siguraduhing regular ka na sa kumpanyang pinagtratrabahuhan kung
ikaw ay mag-aabsent.


B. Pangalawa ay pumasok

Eto ang dapat gawin ng mga empleyado kapag tinatamad magtrabaho pero ayaw
umabsent. Ang mga taong ito ay nuknukan ng kapal ng mukha. Ang mga
sumusunod na instructions ay napakasimple pero effective. Meron ding oras
na nakatakda, magsisismula ng alas ocho ng umaga at magtatapos ng alas
singko ng hapon.

1. Pumasok ng sakto sa oras. Huwag kang male-late at huwag ka din namang
excited masyado. 8:00

2. Pagdating mo sa opisina ay ilapag mo lang kaagad ang gamit mo sa lamesa
at magtungo kaagad sa pantry. Magtimpla ng kape o kung anuman ang iniinom
mo pag umaga. Habang nasa loob ay makipag-usap sa mga tao doon, patagalin
mo ang usapan (tip: pag-usapan ang mga headline ngayong araw o mga
nangyari kahapon sa loob ng opisina). Kung walang tao sa pantry ay
mag-yaya ka ng kasama bago pa man pumasok doon. 8:00-8:30

3. Matapos sa pantry ay magtungo na sa lamesa mo dala-dala pa din ang
kape, ito ay para hindi ka antukin buong araw. Buksan ang computer.
Matapos nito ay buksan ang mailbox mo. Basahin ang mga email…mapabago man
o luma. Buksan lahat ng pedeng buksang attachments, makakabuti ito sa
pagpapatagal ng oras. O kaya naman ay mag-email ka sa mga kakilala mong
matagal mo ng di nakakamusta. Kapag di ka pa nakuntento ay gawing chat ang
email (ito ay sa kadahilanang banned na ang halos lahat ng messengers sa
mga kompanya…pati google talk di pinalagpas, mga hayop na IT yan). Pano?
Mag-email ka sa kakilala mong alam mong merong access sa internet sa mga
oras na yon tapos antayin ang reply…wholla! Instant chat session. Sya nga
pala, habang ginagawa ang mga nasa taas ay huwag makakalimot inumin ang
kape..lalamig ito. 8:30-9:30

3. Matapos ang makabuluhag paggamit ng computer ay magdala ng mga
papel-papel at magtungo sa kung saan mo man nais. Mas maganda kung mukha
kang aborido hawak ang mga props mo habang papaalis ng lamesa, ito ay para
sabihin ng bossing mo sampu ng kasamahan mo sa trabaho na busy ka lagi.
Magtungo sa ibang department na me kakilala at makipag-usap ng kung
anu-ano. 9:30-10:00

4. Tignan mo nga naman. Alas dies na! Break time na ulit! Pagkatapos
mag-lamyerda sa ibang department ay magtungo ulit sa puwesto at ibaba ang
mga scratch paper na props. Dalhin ang tasa sa pantry at magtimpla ulit ng
panibagong kape, libre ang kape kaya magtimpla ka lang ng magtimpla.
Magtungo sa labas kung ikaw ay nag-yoyosi kung di naman ay manatili sa
pantry at makipag-usap ka na lang sa mga tao doon. 10:00-10:15

5. Pagkatapos ng break ay bumalik sa lamesa at humarap sa computer (huwag
ng magdala ng kape sa lamesa…tama na ang nainom mo, sisikmurain ka na sa
sobrang gahaman). Tapos ka na sa mga emails mo, ngayon naman ay
mag-internet ka na lang ng kung anik-anik. Pero bago mag-internet ay
magbukas ka muna ng office document kahit wala kang balak gawin ang mga
ito, makakatulong ang documentong ito mamya. Tapos ay mag-internet ka na.
Paalala: dapat ay alerto ka sa mga tao sa paligid mo, kapag alam mong me
padating pindutin ang ALT at TAB ng sabay. Ito ay para makapunta sa office
document na binuksan mo kanina. Kung mabagal ang iyong reflexes ay dapat
mabilis ka sa paggamit ng mouse para ma-click mo agad sa taskbar ung
documentong nasabi. Kapag na-master mo na ang technique na ito ay di na
mapapansin ng bossing mo na nag-iinternet ka lang sa mga oras na ito.
10:15-12:00

6. Tama na muna ang computer. Lunch break na! Alam mo na ang dapat gawin.
12:00-1:00

7. Pagkatapos kumain ay gawin ulit ang #5. Habang gingawa ito ay maglabas
ulit ng mga scratch papers na para bang me hinahanap. Tandaan na dapat
seryoso ang mukha mo habang gingawa ang mga ito (tip: ikunot ang noo para
makakuha ng mukhang seryoso). 1:00-3:00

8. Break time na ulit. Ang bilis nga naman ng oras. Hala..punta na ulit sa
pantry. Maaari ka na ulit mag-kape at makipag-chikahan. 3:00-3:15

9. Bumalik sa lamesa at guluhin ito sa pamamagitan ng paglabas ng
sandamakmak na mga papel. Tapos ay gawin ulit and #5. Tignan ang oras sa
computer mo. Kung 4:30 na ay simulan mo ng ayusin ang ginulong lamesa.
Mag-ayos ayos ka na din ng sarili. Kung kasing kapal ng adobe ang mukha mo
ay magtungo ka ulit sa pantry para mag-kape (tandaan na dapat me kasama sa
pantry) o kaya naman ay gawin ang #3. Matapos ang lahat ng ito ay umuwi ka
na, para mo ng awa…wala ka na ngang silbi ay nangdadamay ka pa ng iba sa
katamaran mo. 3:15-5:00

BABALA: Wag mong ipapabasa ito sa bossing mo kung ayaw mong mawalan ka ng
trabaho.

Thursday, February 26, 2009

Happy to serve You



valencia branch is now open to serve you.today is feb.26,2009. Bohol area has 26 branches now. 2 years in bohol area. still continuing expansion and searching site.
Palawan pawnshop is over 400 branches now. more than 500 express pera padala outlet. luzon, visayas..palawan pawnshop is now serving in 17 provinces. its includes: manila, iloilo, palawan,negros occidental, dumaguete, cebu, capiz, aklan,orriental mindoro, occidental mindoro,batangas,romblon, antique, guimaras,bohol,siquijor, pangasinan, w/ 9 areas w/c include, palawan area, manila area(manila& pangasinan) ilo-gui-ant area(iloilo,guimaras-antique)capizlanron area(capiz, aklan, romblon),Neg.orr area(dumaguete, siquijor)negros occidentalarea, Batmin area (batangas-mindoro)cebu area and bohol area.(na hawak ko)
palawan pawnshop originated at palawan itself started 1985..
and now happy to serve you with the lowest interest rate. 1-11 days only 1 % 12-22 days 2%, 23-33 days 3%. why to pay more kon meron naman mababa. with highest aprraisal rate. and also our express pera padala murang mura na. 1000 only 45 pesos youre going to pay. withing a minute matanggap ang pera. the quickest and cheapest the way of sending money..
PPS is soon to open leyte province, cagayan and soon to intire mindanao. more branches to open at metro manila..

Tuesday, February 24, 2009

pps memories

Today is my pps anniversary. im happy at naka abot me 8 yrs in service sa pps. and im very lucky and very happy to be part of pps family. working at pps family what i can say is.. masuwerte ako. masaya and challenging everyday responsibilities task to me.
as i remmeber my 1st duty in work was at leganes branch iloilo. that was december 2000.
w/ a salary of 180 a day and allowance 50 a day and transpo allowance.my 2nd duty was at new lucena iloilo and i stayed at staffhaus pototan. there i learned a lot. i learned to live away from my family. it was my first time living away from my family. i learned to cooked and washed my clothes. i learned to become independent. my next assignment was at dumangas iloilo. well, dito dami ko experienced. i experienced w/ a masungit na kasama. na di ko alam paano me naka survived sa kanya. nxt assignment was at jaro iloilo city the main branch. dito ang matindi. dito ko naranasan first nashort ako na di ko alam kon bakit. dito ang dami ko ginagawa. halos di na ako nakahawak ng kaha ko since cashier pa lang me dito. withdraw the bank w/ big amount of money.but i thanxs to GOD at walang nangyari.dito naranasan ko magpunta sa ibang lugar na first time ko napuntahan magdala lang ng fund nila. but difinitely i enjoy my work.
next assignment ko was at pototan iloilo. the busiest branch. i experienced from opening til 4pm standing because sa dami ng customer. dito ko rin naranasan uli mashort sa isang customer lang. may audit pa. dito ko rin nabili ang first rematado appliances. oven toaster.. then tv for my mother, component and another tv again for my sister..i had also a chance to collect some jewelries in a cheapest amount only.
2003 i had an opportunity to visit puerto princesa palawan as lakbay aral. i had a chance to visit and experienced the beautiful el nido, under ground river, la estrella falls, city tour, ihawig. that was 1 week tour. i also experienced monkey trail. and it was the unforgetable experienced i had. and also i had a chance saw the beautiful place of cuyo palawan.
2005 when i promoted as area supervisor of capizlan(capiz-aklan)area. and my area handled was aklan area. and boracay island was under me. so many times iwas been at boracay not only me but also my family..
i was also given a chance to make lakbay aral at bacolod city going to dumaguete city.
2006 i was assigned at cebu city as area supervisor of cebu area. i was assigned at north part of cebu. including the bantayan island.. my assignment in cebu. it was my first time to assigned far away with my family. dito marami akong experienced that i help me in other way to become more dependent. ito rin yon assignment ko na grabe. mahirap pala malayo sa pamilya. lalong lalo na sa oras na nagkasakit ka. wala mag alaga sayo. nasabi ko tuloy sa sarili ko na.. ang di ko na daanan sa when i was in capiz area sa cebu nadaanan ko. i experienced na maligaw sa cebu city.. di ko alam kon saan na ako. much more na di ako maka intindi ng cebuano language. mahirap. how many times ako nag kasakit. na wala nag alaga sa akin. ako magluto ng pagkain ko. ako din magbili ng gamot ko.ito yon malungkot ko na karanasan. pero sa paglipas ng panahon ako din ay naka adjust and i enjoy my staying at cebu. dito marami akong natutunan. marami akong napuntahan. marami akong nagawa nadi ko nagawa before when i was in capiz before. night life, bar, disco etc. halos naikot ko rin ang cebu south and north.
2007 when our boss decided to assigned me at bohol. as area manager. will at first if you after the position, congratulations!you got it! you are promoted! but not me. im not happy acquiring the position. first and foremost i dont want the position.
coz mahirap. mahirap magdala ng isang area. pero wala ako magawa but to accept the position. i had no choice or else i will resigned.
i had also given a chance to went to manila as lakbay aral. we went at star city, enchanted kingdom, tagaytay, manila zoo, antipolo hills, UP tour, PBB haus, makati city hall, mall of asia and some key areas of manila. that was my 2nd time visiting the metro manila. and i had a great memories and i cant forget. doon ko tinanggap ang pagiging area manager ko. mabigat at katakot na responsibilidad. but im happy na nakasurvive ako sa 1 yr..2008. na naging ok ang bohol area.
2008 of november also i attended the seminar held at puerto princesa palawan, there work and pleasure. after the seminar we had given the chance to visit some tourist spot of palawan. anyways, it was my 2nd time to palawan kaya ang ibang tourist spot ay napuntahan ko na. except the honda bay, snake island, starfish island and many more. mitra haus, crocodile farm, bakers hills etc.
bonding with my co officer. masaya and succesful.
and today is my 8 years in pps. happy anniversary to me. thnxs sa cash gift sa akin.
saan man ako makaating someday isa lang ang di ko makalimutan sa pps family na ako naging part ng pps family and im proud i was or to be kapamilya.
mabuhay ka kapamilya! i will miss you all.

Sunday, February 22, 2009

fun w/ friends!

the mag aso falls located in the heart of antequera bohol..mag- aso is come from "aso" meaning smoke..

at first nag tataka ako bakit mag aso falls. until such time i had the opportunity to visit the place.. it called mag-aso kasi nga everytime ang water babagsak sa ilalim ito ay nagkakaroon ng aso.. not so much smoke as in smoke pero makita mo yon smoke sa paligid.. the place is so nice and very solem. 197 going down stair.. mataas sya at kapagod mag baba at akyat pero sulit pagdating u sa baba..malamig ang tubig ang sarap maligo..
so i grab the opportunity. naligo kami w/ my pps family..

Thursday, February 19, 2009

travel!!!

our itinerary to puerto princesa city, palawan


vz ang life as usual.. traveling around the philippines. im excited coming back soon to palawan for free. work and pleasure. bonding with my co-area managers.. to you sir, maraming salamat in advance. sana ito maging hadlang sa pag alis ko. i love my work but i want my family to start. i know u understand my decision.. and thank you again the opportunities given to me. and trust.. i know its hard to gain your trust but u give it to me. maraming salamat po. where ever i go saan man ako makarating i cant 4get pps family and hope to see u soon in mindanao area.. maraming salamat sa suporta.